Duolingo
Wika ng website: Tagalog

Matuto ng Ingles sa loob lang ng 5 minuto kada araw. Nang libre.

Ang pinakapopular na online na paraan sa mundo para matuto ng Ingles

Matuto ng Ingles sa loob lang ng 5 minuto kada araw gamit ang mga leksiyon na dinisenyong parang laro. Kahit baguhan ka pa lang na nagsisimula sa umpisang-umpisa o gusto mong magpraktis ng pagbabasa, pagsusulat, at pagsasalita, napatunayan ng siyensiya na epektibo ang Duolingo.

Kapi-kapirasong mga leksiyon sa Ingles. Masaya, epektibo, at 100% libre.

Epektibo at mabisa

Epektibo at mabisa ang mga kurso namin sa pagtuturo ng kapasidad sa pagbabasa, pakikinig, at pagsasalita. Basahin ang pinakabagong pagsasaliksik namin!

Ibinabagay sa mag-aaral

Sa pinagsamang husay ng AI at siyensiya ng wika, ibinabagay ang mga leksiyon sa iyo para matuto ka sa tamang lebel at bilis.

Manatiling ganado

Pinapadali naming magkaroon ng regular na gawi sa pag-aaral ng wika dahil sa mga elemento ng paglalaro, masasayang hamon, at mga paalala mula sa magiliw naming maskot, si Duo na kuwago.

Matutuwa ka rito!

Ang mabisang pag-aaral ay hindi dapat nakakabagot! Palakasin ang abilidad mo bawat araw gamit ang mga nakakatuwang ehersisyo at mapaglarong mga tauhan.

Palakasin ang pag-aaral mo gamit ang Super Duolingo

Libre ang pag-aaral ng wika sa Duolingo, pero pwede mong alisin ang ads at suportahan ang libreng edukasyon sa Super. Sagot na namin ang unang dalawang linggo!
Alamin ang detalye ng Super Duolingo

Matuto kahit saan

Gawing produktibo ang pagpapahinga at pagbiyahe mo gamit ang aming iPhone at Android app. I-download sila nang makita kung bakit binigyan kami ng Apple at Google ng pinakamataas nilang parangal.

Duolingo for Schools

May libreng materyales para sa mga guro para tulungan ang mga estudyante nilang mag-aral ng mga wika gamit ang Duolingo app, kahit sa loob at labas ng classroom.
Dalhin ang Duolingo sa classroom mo